GMA Logo Knorr Nutri Sarap Kitchen
What's on TV

RECIPE: Nutri-Sarap Sinigang na Bangus ni Nanay Elena

By Maine Aquino
Published October 3, 2021 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Knorr Nutri Sarap Kitchen


Malusog na bukas dahil sa pag-aalaga at Sinigang na Bangus ni Nanay Nena

Mga Sangkap:

katamtamang laki ng bangus (apat na hiwa), cleaned and sliced
1 kamatis, wedged
1 sibuyas, wedged
kapirasong luya
dalawang butil ng bawang
2 pirasong siling panigang
4 pirasong okra
12 pirasong sitaw, cut into 2-inch pieces
1 pirasong talong, sliced diagonally
1 bungkos ng kangkong
1 labanos, sliced diagonally
1 40 g pack Knorr Sinigang sa Sampalok Mix
8 tasang tubig pangsabaw
2 1/2 kutsarang patis

Paraan sa pagluluto:

1. Sa isang kalderong may tubig, ilagay ang kamatis, luya at sibuyas. Pakuluin.
2. Kapag kumukulo na, ilagay ang bangus. Takpan. Lutuin sa katamtamang apoy sa loob ng 8 to 12 minuto.
3. Ilagay ang Knorr Sinigang sa Sampaloc Mix. Haluin. Lutuin ng dalawang minuto.
4. Ilagay na ang labanos, talong at siling panigang. Idagdag na rin ang sitaw at okra.
5. Haluin, takpan at lutuin sa loob ng 5-7 minuto.
6. Ilagay ang patis at ang paminta. Haluin.
7. Ilagay na ang dahon ng kangkong. Takpan ang kaldero at patayin ang apoy. Hayaan lang ito ng limang minuto
8. Ilagay sa bowl at i-serve na may kasamang kanin.

Serving : 3-4