
Simula March 17, mapapanood na tuwing hapon sa GMA ang Korean series na Red Balloon.
Pinagbibidahan ito ng K-drama stars na sina Seo Ji-hye bilang Pia, Lee Sang-woo bilang Rayver, at Hong Soo-hyun bilang Ruth, kasama sina Lee Sung-jae bilang Harry at Jung Yoo-min bilang Iris.
Tampok sa Red Balloon ang komplikadong kuwento ng buhay ni Pia, isang private tutor na gagawin ang lahat makuha lamang ang kaniyang pinapangarap pati ang asawa ng best friend niyang si Ruth.
Makakaya nga ba niyang pagtaksilan ang kaibigan para sa pag-ibig?
Abangan ang Red Balloon simula March 17, 5:10 p.m. sa GMA.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI SEO JI-HYE SA GALLERY NA ITO: