
Grateful ang Filipino martial artist at aktor na si Red Dilla sa pagkakataon na napabilang sa cast ng hit fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Mahusay na nagampanan ni Red Dilla ang role bilang Enuo, na nakilala rin sa tawag na Lolo Master ni Terra (Bianca Umali). Siya ang ama nina Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) at Sang'gre Alena (Gabbi Garcia).
Sa kaniyang Facebook account, ipinarating ni Red ang pasasalamat sa team ng Sang'gre kasunod ng pamamaalam ng kaniyang karakter. Noong Martes (March 31), napaslang si Enuo matapos na iligtas ang apong si Adamus (Kelvin Miranda) mula sa tangkang pagpatay ni Zaur (Gabby Eigenmann).
“Grateful beyond words. Isang napakalaking biyaya mula sa Diyos ang maging bahagi ng proyektong ito. Maraming salamat sa pagkakataon, sa mga direktor, at sa buong production team ng GMA7—hinding-hindi ko ito makakalimutan. All glory to God!" sulat ni Red.
Sa isa pang post, nagpasalamat din si Red sa mga manonood ng Sang'gre.
"Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng sumubaybay at tumangkilik sa teleseryeng naging bahagi ako. Maraming salamat sa buong GMA Network, Direk Enzo Williams, sa aming mga direktor, production team, at sa lahat ng staff na naging instrumento para sa proyektong ito. Higit sa lahat, salamat sa Diyos sa oportunidad at biyaya. Hindi ko ito makakamit kung wala kayo."
Samantala, patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: DarMea's kilig moments in Sang'gre