
Aminado ang dating aktor na si Red Sternberg na na-burnout siya sa mundo ng showbiz kaya niya ito tinalikuran.
Sa panayam ng Tunay na Buhay, inamin ni Red na napagod siya dahil wala siyang driver at personal assistant noon.
"Siguro it was a combination ng burnt out, tatlong TV shows, gumagawa [ako] ng dalawang pelikula, everyday trabaho.
"Ako 'yung tipong I never had a driver, wala akong PA, lahat ako [ang gumagawa.]
"I just felt na it was time to move on."
May pinagsisisihan kaya si Red sa kanyang desisyon na umalis ng Pilipinas?
"No. Do I miss it? Yeah. Do I still wanna do it in the future? Maybe."
Naninirahan na sa Florida, USA si Red kasama ang kanyang asawa at ang kanilang tatlong anak.
Silipin ang kanilang buhay dito: