
Balikan ang tamis ng first love kasama si Joy ng K-Pop girl group na Red Velvet sa The Liar and His Lover.
Tampok siya bilang si Toni, isang typical high school student na mahilig sa musika.
Makikilala niya si Harvey (Lee Hyunwoo), isang lalaking hihiramin ang kanyang cellphone para mag-record ng kanta sa gitna ng kalye.
Hindi alam ni Toni na si Harvey pala ang composer sa likod ng mga kanta ng sikat na bandang Crude Play.
Mahuhumaling si Harvey sa ganda ng boses ni Toni pero hindi niya maamin dito ang tunay niyang katauhan.
Paano tatanggapin ni Toni na ang lalaking itinuring niyang first love ay puro kasinungalingan pala?
Abangan 'yan sa The Liar and His Lover, simula September 9, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 pm sa GMA News TV.