
Nostalgic ang buong August sa weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Dahil anniversary month ng Regal Entertainment, tampok sa brand new episodes nito ang ilang original Regal Babies.
Mapapanood sina Ruffa Gutierrez at Kayla Davies sa "The Grand Getaway."
Gaganap sila bilang sosyalerang mag-ina na magbabakasyon sa engrandeng hotel resort. Pero mauubusan sila ng budget kaya mapiplitang magtrabaho dito!
Sina Cris Villanueva at Lexi Gonzales naman ang bibida sa "Ben's Busline."
Matapos masira ang bus na minamaneho, may mapapansing kakaiba ang driver nito sa isang makulit at mataray na pasehero na ayaw bumaba.
Family drama naman ang hatid nina Ara Mina, Eric Fructuoso, at Althea Ablan sa "Mami and Papi Together."
Aayain ng isang teenager and separated parents niya sa isang bakasyon sa pag-asang magkabalikan ang mga ito. Pero non-stop ang bangayan ng dating mag-asawa. May pag-asa pa bang mabuo ang pamilya?
Kuwento ng mga alaala ang bibigyang-buhay nina Riel Lomadilla, Sarah Edwards, at Robert Ortega sa "Finally Found You."
Dahil sa mahiwagang kuwintas, magta-transform ang isang simpleng antique shop worker at magiging elegante at magandang babae.
Pero ang mukhang ipinahiram sa kanya ng kuwintas ay mula pala sa babaeng 20 years nang yumao at long lost love ng isa sa kanyang customers.
Magdalala naman ng katatawanan sina Joey Marquez, Migs Almendras, at MJ Macalintal sa "Our Happy Apartment."
Tungkol ito sa isang bagong lipat na gay couple at homophobic ex-military na landlord.
Huwag palampasin ang nostalgic na bagong episodes ng Regal Studio Presents every Sunday this August, 2:00 p.m. sa GMA.
Maaari ring i-livestream ang mga episodes nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.