GMA Logo Regal Studio Presents
What's on TV

'Regal Studio Presents,' magdadala ng mas maraming special moments sa new season nito

By Marah Ruiz
Published September 20, 2024 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Three dead in Alawite protests on Syrian coast, local officials say
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents


Mas marami pang special moments and ihahatid ng 'Regal Studio Presents' sa new season nito.

Narito na ang third anniversary ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.

Bilang pagdiriwang, hatid nito ang bagong season na puno ng mga bago at exciting na episodes.

Isa na diyan ang season opener na "Stuck on You" na pagbibidahan nina Jon Lucas at Faith Da Silva.

Gaganap sila dito bilang ex-lovers na literal na magdidikit matapos isumpa ng isang matandang muntik nilang masagasaan.

Paano kaya sila makapaghihiwalay muli? Abangan 'yan sa "Stuck on You," ngayong September 22.

Very special naman ang episode na "My Crazy Yandao" dahil makakapares dito ni Kapuso star Elijah Alejo si Singaporean actor Raynold Tan.

Tungkol ito sa isang Singaporean na dadayo sa isang probinsiya sa Pilipinas para makita sa personal ang babaeng nakilala niya online.

Mahahanap na ba niya ang true love o budol ba ang madadatnan niya?

Para naman sa mga sawi sa pag-ibig ang "The Heartbreak Shop" na pagbibidahan nina Kazel Kinouchi at Prince Clemente.

Iikot ang kuwento nito sa isang cafe kung saan maaring magbasag at humagulgol para makatulong sa pagmo-move on.

Kaya lang, palugi na ang cafe kaya kailangan na itong isara. May pag-asa pa kayang mailigtas ang coffee shop para sa mga broken hearted?

Siguradong magugustuhan naman ng mga animal lovers ang "Pawfect Match" kung saan tampok sina Althea Ablan at Will Ashley.

Kuwento ito ng isang social media manager na magbo-volunteer sa isang animal shelter matapos dumaan sa isang masakit na breakup.

Makakatulong ba sa paghihilom ng kanyang puso ang mga cute na fur babies at ang gwapong shelter volunteer?

Isa namang kuwento ng pag-asa at inspirasyon ang "Remboy Dreamboy" nina Angel Guardian at Prince Carlos.

Highlight ng araw ng isang babaeng hindi makalakad ang pagdating ng isang cute na delivery rider araw-araw.

Dahil natatanaw lang niya ito mula sa kanyang bintana, may pag-asa kayang makilala niya ang kanyang dream boy?

Abangan ang mga bagong episode mula sa bagong season ng Regal Studio Presents every Sunday, 4:15 p.m. sa GMA.

Maaari rin itong mapanood online nang sabay sa Kapuso Stream.