
Mas maaga nang mapapanood ang mga kuwentong love na love natin sa weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Simula March 2, matutunghayan ito tuwing 2:00 p.m., pagkatapos ng All-Out Sundays.
Unang mapapanood sa bagong timeslot na ito ang episode na "Sugar and Spy" na pagbibidahan nina Kapuso stars Ashley Ortega at Jak Roberto.
Iikot ang kuwento nito kay Sugar na magiging witness sa isang krimen, at kay Spy, ang pulis na assigned para protektahan siya.
Ilang pang brand-new episodes ang hatid ng Regal Studio Presents sa bagong timeslot nito.
Isa na rito ang "Dead Husband's Wives" na pagbibidahan nina Arra San Agustin at Donna Cariaga.
Gaganap sila rito bilang mga babaeng magpapakilala bilang fiancée ng isang mayamang lalaking namatay. Sino sa kanila ang tunay na fiancée na karapatdapat tumanggap ng pamana?
Abangan din ang "Star Cleaner", starring Shayne Sava at Mosang na tungkol sa isang house cleaner at kliyente niyang nais itapon lahat ng gamit ng kanyang pamilya.
Bakit nga ba mas pipiliin pa niyang pakawalan ang mga ito kaysa itago at ingatan?
Huwag din palampasin sina Kim de Leon at Raphael Landicho sa "Bobby Baby Boo".
Kuwento ito ng isang lalaking magkukunwari bilang babae para matanggap sa trabaho bilang yaya.
Abangan ang brand-new episodes ng Regal Studio Presents sa mas pinaaga nitong timeslot na 2:00 p.m. every Sunday, simula March 2 sa GMA.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.