
Ngayong buwan ng September ipinadiriwang ng weekend anthology series na Regal Studio Presents ang first anniversary nito.
"Tuwang tuwa ako dahil naka isang taon na tayo for 'Regal Studio Presents.' We have been working with different storylines, with different directors, with different actors. Tuwang tuwa ako dahil we are still counting. I'm sure that we are going to have more years to come. I'd like to thank my partner Roselle Monteverde for making this possible," pahayag ni GMA First Vice President for Program Management Jose Mari "Joey" R. Abacan sa isang virtual media conference.
Ibinahagi naman ni Regal Entertainment Inc. COO & Vice President Roselle Monteverde ang kanyang pasasalamat.
"I'm just glad that we're here after one year. Nakakatuwa na maging partner ang GMA kasi open-minded sila sa mga new concepts, new storylines, and even mga bagong directors na napi-present namin at napapasama dito sa pag-direct ng 'Regal Studio Presents.' Sana maparami pa 'to at nagpapasalamat kami sa mga suporta ng mga Kapuso," aniya.
Para ipagdiwang ang first anniversary ng Regal Studio Presents, may tatlong anniversary specials na mapapanood buong September.
Ang unang episode na mapapanood ay "Love Your Beat," starring Lianne Valentin and Carlo San Juan, sa September 11. Kuwento ito ng isang hearbroken na singer at ng gitaristang papalit sa ex-boyfriend niya sa banda nila.
Susundan ito ng "Eat Must Be Love" starring Almirah Muhlach, Bryce Eusebio, at Jana Taladro, sa September 18. Tungkol naman ito sa isang culinary student na nangangarap maging chef sa high-end restaurants at five-star hotels pero ikinahihiya na karinderya ang negosyo ng kanyang nanay.
Ang pangatlong kuwent ay ang "Win a Date" starring Althea Ablan and Yasser Marta, sa September 25. Iikot naman ito sa isang fan girl na mananalo ng date sa artistang iniidolo niya. Mapapatotohanan ba ng kasabihang "never meet your idols" ang experience niya?
Abangan ang refreshing stories na 'yan sa month-long anniversary celebration at fifth season ng Regal Studio Presents, every Sunday, 4:35 p.m. sa GMA.