GMA Logo Regal Studio Presents new season
What's on TV

'Regal Studio Presents' new season, hatid ang mga kuwentong tatatak sa puso

By Marah Ruiz
Published September 7, 2023 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two 'New Year babies' born in Manila
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Regal Studio Presents new season


Siguradong tatatak sa ating mga puso ang mga bagong kuwento sa bagong season ng 'Regal Studio Presents' simula ngayong September.

Dalawang taon na nating kasama every Sunday afternoon ang weekly anthology series na Regal Studio Presents.

Sa linggo-linggo nitong paghahatid ng iba't ibang kuwento tungkol sa love at loss, tinuruan tayo nitong magmahal, tanggapin ang isa't isa at patuloy na kumapit sa pag-asa.

Magpapatuloy ang paghahatid ng Regal Studio Presents ng mga kuwentong tataktak sa ating mga puso sa pagbubukas ng bagong season nito simula ngayong September.

Magsisimula ang brand new season ng Regal Studio Presents sa episode na pinamagatang "My Farmer Girl" na pagbibidahan nina Paul Salas at Arra San Agustin.

Tungkol ito sa isang babaeng susubukang isalba ang paluging farm ng kanyang pamilya dahil ito na lang ang natitirang alaala ng kanyang yumaong ama.

Susundan naman ito ng romantic comedy na "Battle of the Exes" starring Yasser Marta and Lexi Gonzales.

Kuwento naman ito ng kapwa street artists at ex-lovers na magre-reunite nang kunin sila para gumawa ng isang malaki at mahalagang mural painting.

Mapapanood din sina Lianne Valentin at Royce Cabrera sa romance drama na "I Love You, Bien."

Perfect na ang buhay ng isang pares ng young lovers pero isang kakaibang balita ang babago sa buhay nila.

Magtatambal naman sina Kimson Tan at Sarah Edwards sa episode na pinamagatang "Bed and Break Hearts."

Iikot ang episode sa isang heartbroken AirBnB host at guest niyang children's book writer na sa sobrang old school, gumagamit pa ng typewriter.

Tunghayan ang mga kuwentong 'yan na tatatak sa ating mga puso sa brand new season ng Regal Studio Presents, every Sunday 4:15 p.m., simula ngayong September 10 sa GMA.

Naka-livestream din nang sabay ang mga episodes nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.