GMA Logo ken chan and sanya lopez
What's on TV

'Regal Studio Presents: That Thin Line Between,' nag-double trending sa Twitter

By Racquel Quieta
Published September 12, 2021 7:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Brook Lopez's 9 treys power Clippers to win over Blazers
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers
'PBB' housemate Joj Agpangan weds fiancé in Austin, Texas

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan and sanya lopez


Lubos ang pasasalamat ni Ken Chan sa suporta na natanggap ng 'That Thin Line Between.'

Double trending sa Twitter and first offering ng GMA at Regal Studio Presents na "That Thin Line Between," starring Ken Chan at Sanya Lopez.

Masaya at puno ng pasasalamat na ibinalita ni Ken sa kanyang Twitter account na nag-double trending noong Sabado, September 11, ang kanilang Regal Studio Presents episode.

Umabot sa 5,898 tweets ang may hashtag na #KenSanyaRegalStudioPresents at 1,03 tweets naman ang hashtag na #GMAREGALStudioPresents.

Nagpakilig ang dalawang Kapuso stars bilang ang magkapitbahay na sina Julius at Gemma Rose na sa una ay nagbabangayan, pero kinalaunan ay naging matamis din ang pagtitinginan.

Kasama rin nina Ken at Sanya ang new Kapuso artists na sina Shanelle Agustin at Sandro Muhlach, na gumanap bilang kanilang mga kapatid na sina Aiah at Ansel.

Sa susunod na Sabado, September 18, tungkol naman sa sirenang si Raya, ang tampok sa kaabang-abang na weekly anthology, starring Sofia Pablo and Allen Ansay.

Kaya huwag palampasin ang Regal Studio Presents tuwing Sabado, 8:30 p.m. sa GMA-7.