Article Inside Page
Showbiz News
Sa press conference ng
Of All The Things na siyang third movie na pinagsamahan nina Aga Muhlach at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, isang matinding rebelasyon ang binitawan ng actor.
Sa press conference ng
Of All The Things na siyang third movie na pinagsamahan nina Aga Muhlach at Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, isang matinding rebelasyon ang binitawan ng actor.
Nang tanungin si Aga kung umibig ba ito kay Regine, ito ang naging kontrobersyal na sagot niya. “Noon talaga gustong-gusto ko siya, kaya lang minabuti naming maging friends na lang. Na-in love ako sa kanya at naging girlfriend ko siya, tapos nag-break kami at naglasing ako dahil sa kanya. ‘Di niya pa alam ‘yon! Kapag si Regine nagda-drama sa set noon, iniisip ko ‘Oh my God! Parang mahal na mahal niya ako!’ tuwing may scene kami.”
Sa interview ng matitinik na
H.O.T. TV ( Hindi Ordinaryong Tsismis ) co-hosts niyang sina Roderick Paulate, Raymond Gutierrez at Jennylyn Mercado, tila hindi nakalusot ang Asia’s Songbird sa pagsagot sa mga katanungan hinggil sa pag-amin ng kanyang on-screen leading man.
Si Raymond ang nanguna sa pagtatanong sa reaksyon ng actress tungkol sa pag-amin ni Aga na naglasing ito nang maghiwalay sila. “Oo nga, balita ko nga naging boyfriend ko siya tapos nagkaroon kami ng L.Q. (lover’s quarrel) at kung anu-ano na ang nangyari. Parang tulog ako noong mga panahong ‘yon. Ako lang ang hindi nakakaalam at parang ‘di ako na-brief tungkol doon.”
Bagamat nilinaw na ng actress na ‘di ito aware sa mga rebelasyon ng actor, muling itinanong ni Kuya Dick kay Regine kung totoo nga bang hindi nito alam ang nararamdaman ng actor noon para sa kanya.”Malabo kausap ‘yang si Aga Muhlach! Break na kami, ‘di ko pa rin alam. Naglasing siya, hindi ko pa rin alam! Basta wala akong kaalam-alam noong mga panahong iyon. Palagay ko tulog nga talaga ako. Hindi nga ako masyadong aware at hindi ako na-inform na mayroong kami.”
Ayon pa kay Regine kahit hindi nito namalayan ang sinasabi ng actor na umibig ito sa kanya, she finds it flattering dahil isang kilala at mahusay na aktor ang noon pala’y nagkagusto sa kanya. “I find it flattering kasi syempre, si Aga Muhlach ‘yon! Ang impression ko noon, ‘Si Aga, magkakagusto sa akin? Si Aga Muhlach ‘yon ibang level ‘yon!’ Parang ganun ‘yong naging feeling ko.”
Muling kiligin kina Regine Velasquez at Aga Muhlach sa
Of All The Things at abangan ang nationwide premiere ng kanilang pelikula sa September 26! -
Paula Panganiban, GMANetwork.com