Article Inside Page
Showbiz News
Regine and Ogie's romance officially turned five last November 11. Pero hindi nakasama ni Regine si Ogie sa mismong araw ng kanilang anniversary.
Regine Velasquez and Ogie Alcasid's romance officially turned five last November 11. Ngunit taliwas sa ginustong mangyari ng Songbird, hindi niya nakasama si Ogie sa mismong araw ng kanilang anniversary.
In an interview by Ricky Lo aired in
Startalk, Regine was asked if Ogie really forgot about their anniversary. She clarified, "Hindi, binati naman niya ako. Kasi dapat ang usapan namin, wala siyang work, [pero] nakalimutan niya yung day na yun!"
In a separate interview, sabi ni Ogie, "Medyo sobrang dami ng trabaho, pero ako' pinatawad na! Alam niyo naman kaming mga lalaki, minsan kailangan pukpukin ang ulo!"
Paano nila na-celebrate ang okasyon?
"May trabaho siya, may trabaho ako," sagot ni Regine. "Pero okay lang, kasi before that naman, we had dinner in the house, with the whole family, so yun na rin celebration namin."
How did Ogie make up for his shortcoming?

"Binigyan niya akong cash!" joke ni Regine. "Loko lang! He's always naman very sweet, e."
Ricky Lo also asked if Ogie has already proposed to her.
"Hindi pa, hintayin muna natin. Mahirap magpakasal ngayon, mahal!" Regine replies with a laugh.
Inamin ni Ogie ang paminsan-minsang pag-aaway nila ni Regine sa isang previous na interview. Ironically, the biggest quarrel they had so far happened on the day of their anniversary.
"Balita ko ang gift sa'yo ni Ogie ay five cards, at sinulat niya mga thoughts niya, at feelings niya," kwento ni Ricky Lo kay Regine.
According to Regine, ang isa sa mga mensahe ni Ogie ay "thankful siya kay God, kasi he met me, and he has never met [such] a wonderful person [like me], parang ganoon."
Sabi ni Ogie, "Lagi naman akong ganoon, I always give her cards every so often. Okay yung text, pero iba rin yung sinulat mo di ba? Old fashioned."
So what was Regine's gift to Ogie?
"Hindi ako nagbibigay ng card! Haha! Binigyan ko lang siya ng flowers doon sa shoot niya. Kasi romantic din ako, di ba usually, lalaki nagpapadala? Siya, sanay na sanay na siyang nakatatanggap ng flowers from me."
Ricky Lo couldn't help but comment, "Parang kilig na kilig pa rin kayo sa isa't-isa!"
"Oo, nakatatawa, no? Halata mo?" sabi naman ni Regine. "E di ba yun nga maganda doon, yung chemistry, nandoon pa rin."
Ayaw nang patulan ng Songbird ang issue na pinagselosan niya ang Brazilian model na si Diana Meneses na kasama ni Ogie sa isang music video.
"Like I said before, he doesn't naman give me a reason to be jealous, e. No, he has to give me a reason, e," explains Regine.
Pahayag ni Ogie, "Naku-cute-an ako sa istorya na yun! Pero wala yun. Si Diana e na-meet ko sa
Eat Bulaga , tapos ilang beses siyang nag-guest sa
Bubble Gang. I realized later that she really likes to sing, so one time, nag-shoot ako ng video, and tinanong ko kung pwede siya—well, pinatanong ko sa Universal Records."
Malapit nang mag-umpisa ang primetime series ni Regine at ni
Robin Padilla . Minsan na ring inamin ni Binoe na si Regine ang pinaka-type niya sa kanyang mga naging mga leading ladies. Hindi kaya siya pagselosan ni Ogie?
"Hindi niyo rin alam, kahit noong nagtatago pa kami ni Regine, si Robin, alam na niya," sagot ni Ogie. "Hindi lang niya sinasabi. Nakita niya kami noon, pinayuhan din, at binigyan ng mga mungkahi. So malaki ang repeto ko kay Robin. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya bilang kaibigan. Kung kaya't ngayon na mag-partner sila, excited ako."
What is Regine's anniversary message for Ogie?
"Thank you for being so patient with me, and there's a lot of times I don't get to spend with you, kasi nga I'm working, tapos I'm gonna be working again, so yun, thank you for being very, very patient and loving."