
Sa gitna ng mga intriga sa mundo ng showbiz, nananatiling matatag sina Regine Tolentino at Andrea Del Rosario.
Sa panayam nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, January 12, ibinahagi nina Regine at Andrea kung paano nila hinaharap ang mga isyung kinasasangkutan nila.
“Ako, I ignore all because as a businesswoman, endorser, and as a mother, of course, hindi ko papatulan talaga 'yan,” sabi ni Regine.
Dagdag pa niya, “It's not [going] to be helpful for my career and family life, dedma.”
Samantala, aminado naman si Andrea na minsan ay sinasagot niya ang kanyang mga bashers.
“Ako sometimes for entertainment lang. Parang kung ano lang, gusto ko lang mag-enjoy. May mga gusto mo lang patulan ba and then, you move away, something like that,” pahayag ng aktres.
Ngunit ibinahagi rin ni Andrea na sa tagal niya sa industriya, hindi na raw siya gaanong naaapektuhan ng mga ganitong isyu.
Ikinuwento naman ni Regine na ang kanyang mga anak ang “overprotective” sa kanya at sila mismo ang sumasagot sa mga bashers niya sa social media.
“Sila 'yung mga anak ko, sila 'yung nagtatanggol para sa akin,” ikinuwento ng dancer.
Bukod sa matatag nilang pagharap sa bawat isyu, nananatili ring solid ang kanilang pagkakaibigan.
Ayon sa kanila, pareho sila ng hilig pagdating sa fashion, ngunit hindi sila nagkakasundo pagdating sa pag-ibig at sa tipo ng lalaki, dahil magkaiba raw sila ng preference.
Noong December, muling nagbalik si Regine at opisyal na pumirma ng kontrata bilang Kapuso.
Samantala, si Andrea naman ay nakasama sa pelikula ni Alden Richards na Out of Order, na ipinalabas sa Netflix noong October 2.
RELATED GALLERY: Celebrity photos from the '90s that will make you reminisce