GMA Logo Regine Tolentino on LB
SOURCE: Regine Tolentino
What's Hot

Regine Tolentino binalikan ang kaniyang wardrobe malfunction incident: 'It was very humiliating'

By Hazel Jane Cruz
Published January 11, 2025 1:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Regine Tolentino on LB


Ayon pa kay Regine Tolentino, kinailangan niyang maging professional dahil isa itong live performance.

“It's a live show, eh… at the end of the day, I just have to be professional and then learn from it.”

Binalikan ng TV personality at dancer Regine Tolentino ang kaniyang wardrobe malfunction incident sa isang performance sa noontime show na It's Showtime noong 2023.

Kinuwento niya ang kaniyang naging reaksiyon sa latest appearance sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama si Shuvee Entrata.

“It was a live show. Kasi minsan nangyayari 'yun na, minsan may mga strap, lalo na 'yung mga pangsayaw… talagang hataw ako, minsan hindi ko na alam natanggal na pala 'yung costume ko,” kuwento nito.

Ayon pa sa aktres, nagulat din ang kaniyang anak na nagsisilbi ring stylist ni Regine.

“I was in shock, maybe for three days, and my daughter is actually my stylist so siya 'yung nag-aayos ng mga costumes ko kaya pati siya [sabi niya] 'How did that happen?' which is a freak accident because I've been dancing for so long and I do costumes…”

Pero sa kabila nito, may natutunan pa rin si Regine at sinabing kailangang maging professional sa bawat live performances na kaniyang ginagawa.

“It's a live show, eh… at the end of the day, I just have to be professional and then learn from it,” ani Regine. “It was very humiliating, pero siyempre, mas kailangan kong maging strong.”

Thankful din ang TV personality dahil all-out ang suporta ng kaniyang pamilya matapos ang insidente.

“I'm lucky that I have my family's support, so sila 'yung nagko-comfort sa akin, you know? Just one good hug [and] it's going to be okay. After that, parang kaya ko na.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG HOT MAMA PHOTOS NI REGINE TOLENTINO SA GALLERY SA IBABA