
Aminado si Regine Tolentino na minsan na siyang lumuhod at makiusap para lang huwag siyang iwan. Kuwento pa ng dancer-actress, lumapit pa siya sa kanyang kaibigan na si Andrea del Rosario para sa advice.
“Yeah, I think so. I wrote long letters, and nagdasal talaga ako, and I came to her (Andrea) for advice, like, 'What do I do, mars? Hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko.' May mga moment na ganu'n, e. Parang you really need guidance,” sabi ni Regine sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, January 12, para sagutin ang batikang host tungkol sa pagluhod dahl sa pag-ibig.
Kuwento ni Regine, naging abala siya masyado noon sa pagtatrabaho at umabot na sa puntong hindi na niya nabibigyan ng oras ang mga anak at asawang si Lander Vera Perez.
“Hindi ko na-prioritize 'yung sarili ko, 'yung marriage namin, parang nasobra kong busy because I took the role of always being the provider, always being the one working, and so wala na akong time sa sarili, wala na akong time sa family,” sabi ni Regine.
Sabi pa ng aktres, na-overwhelm siya noon sa lahat ng mga nangyayari at hindi na niya alam ang gagawin. Kaya naman, ipinahayag ni Andrea kung gaano ka importante ang pagkakaroon ng “balanced life” pagdating sa karera at pamilya.
TINGNAN ANG CUTE MOMMY AND ME OUTFITS NINA REGINE AT NG ANAK NA SI ROSIE SA GALLERY NA ITO:
Ang naging payo naman ni Andrea noon sa kaibigan, “Love yourself first.”
“She has to understand her self-worth first. I can't say 'Don't do this, don't do that.' Pero kung hindi siya maayos within, I mean kahit anong breakup ang gawin niya, babalik pa rin, e,” sabi ng aktres.
Pag-amin ni Andrea, importante pa rin para sa isang babae ang malaman niya ang kanyang self-worth para magkaroon siya ng standard ng partner na pipiliin.
“I'm not belittling other men, but I'm just saying that you also have to somehow set your standard for yourself so you can find the right person,” sabi ng aktres.
Panoorin ang panayam kina Regine at Andrea dito: