GMA Logo Regine Tolentino on LB
SOURCE: GMA Public Affairs
What's Hot

Regine Tolentino, miss na raw mag-host sa 'Unang Hirit'

By Hazel Jane Cruz
Published January 11, 2025 3:54 PM PHT
Updated January 11, 2025 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBI searches Cabral's Baguio hotel room
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Regine Tolentino on LB


Grateful daw si Regine Tolentino sa 'Unang Hirit' dahil sa mga lessons na natutuhan niya rito.

Binalikan ng Fil-Am TV host and personailty na si Regine Tolentino ang kaniyang 15-year journey sa GMA morning talk show na Unang Hirit.

Ikinuwento niya ang mga learnings at memorable moments sa nasabing programa sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama ang kaniyang asawa na si Dondi Narciso at guest host na Shuvee Etrata.

Ayon kay Regine, kailangan niya noon gumising nang alas dos ng madaling araw para sa mga live location demands ng Unang Hirit.

Pero sa kabila ng “hard work” ng pagiging Unang Hirit host ay nami-miss na raw ng aktres ang nasabing programa.

HOT MAMA REGINE TOLENTINO'S SEXIEST PHOTOS

“I miss it so much kasi doon ako natuto na mag-Tagalog kasi bulol ako, doon ako natuto mag-host, and mag-sayaw… zumba! And all about the Philippines. It was like a crash course,” saad ni Regine.

Dagdag pa nito, “Lumaki ako sa U.S. so when I came here, it was like a learning process as well to find out everything about the culture, the tradition, and the food here, and sobra kong na-enjoy.”

“I'm so honored na nakasama ako sa program for a long time,” sabi pa ng aktres.

Sa Unang Hirit din siya umano unang nahikayat mag-zumba. Ngayon ay tinagurian na siyang "Zumba Queen".

Isa rin siya sa mga unang celebrities na nagkaroon ng lisensiya sa pagtuturo ng zumba.

Ngunit kinailangang umalis ni Regine Tolentino sa Unang Hirit upang mag-focus sa mommy duties sa kaniyang third baby girl Rosie Rignée.

Sinabi rin nito na nais niyang mag-give way sa mga younger hosts.

“I stopped noong pandemic, nagka-baby na kami. Give-way na rin to the younger hosts because, as in, lahat naikot ko na, e, so parang kailangan [nang] pass on the crown,” kuwento ni Regine.

KILALANIN ANG BABY GIRL NI REGINE DITO: