
Nitong June 8, ibinahagi ni Regine Tolentino ang kanyang kaalaman sa Zumba bilang isang licensed instructor.
Sa kanyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba? ay binigyang linaw ni Regine ang iba't ibang klase ng zumba. Aniya, may categories na dapat i-consider kapag nais subukan ang zumba bilang exercise routine.
Panoorin ang masarap nilang kuwentuhan kasama ang Sarap, 'Di Ba? hosts na sina Carmina Villarroel, Mavy and Cassy Legaspi at ang guests na sina Sexbomb Girls Louise Bolton and Sandy Tolentino.