What's Hot

Regine Velasquez-Alcasid, favorite leading man si Aga Muhlach

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 10, 2020 9:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Marami ang naghintay sa muling pagsasama nina Regine Velasquez-Alcasid at Aga Muhlach sa pelikula, at sa wakas ay mapapanood na sila sa kanilang pangatlong movie together, ang Of All the Things.


Marami ang naghintay sa muling pagsasama nina Regine Velasquez-Alcasid at Aga Muhlach sa pelikula, at sa wakas ay mapapanood na sila sa kanilang pangatlong movie together, ang Of All the Things.

In an exclusive interview with Startalk TX’s Ricky Lo, ikinuwento nina Regine at Aga kung bakit nagkaroon ng three-year delay ang pagpapalabas ng kanilang comeback movie.“Hindi nagtatagpo ang schedule eh. Kasi nung time na nag-start kami, bigla kaming nahinto, kasi nagso-soap [opera] ako. Tapos dapat magre-resume na ulit ako, gumawa ulit ako ng isang soap. Hanggang sa nag-asawa na ako, tapos nabuntis na ko,” paliwanag ni Regine.

Hindi rin naiwasang maungkat ang kanilang nakaraan ni Aga, at pinatotohanan ng kanyang leading man ang mga haka-hakang nagkaroon sila ng relasyon. “Hindi nga alam ni Reg na na-in love ako sa kanya, naging girlfriend ko siya, nag-break na kami, naglasing na ko dahil sa kanya, hindi niya pa alam ‘yun. And the whole time, galit siya kasi late ako parati. Kapag si Regine nagda-drama sa set ‘nun, sabi ko ‘Oh my God, affected siya sa akin. Mahal na mahal niya ako.’ ‘Yun pala, nung pinaliwanag niya, ‘Aga, ako ang pinakaasar na tao sa’yo. Kasi dumadating ka [late].’ Reg, nakainom ako ‘nun.’ ‘Bakit?’ ‘Sa sama ng loob ko sa’yo.’ ‘Ano ang ginawa ko sa’yo?’ ‘Naghiwalay tayo. Hindi mo alam?’ Totoo ‘yang kinukuwento ko ha!” natatawang paglalahad ni Aga.

Ayon naman kay Regine, hindi niya naisip na magugustuhan siya ni Aga noon. “Mayroon akong feeling na hindi niya ako magugustuhan kasi hindi niya naman ako ka-level. I never really thought na ang ganda-ganda ko,” she shares.

Now that they have their own families, nagbibigyan na sila ng payo kung paano papanatilihin ang magandang pagsasama ng kani-kaniyang pamilya. “Sabi ko nga sa kanya, sundan na niya kaagad [si Nate],” says Aga.

“Gusto ko ‘yung sinasabi mo sa akin na as much as possible lagi mong kasama ang anak mo. I-enjoy mo,” dagdag pa ng Asia’s Songbird.

Sa kanilang film reunion after 12 years, ano kaya ang masasabi nila sa isa’t isa?

“Sa lahat ng naging leading man ko, I have to say na favorite ko talaga si Aga. Loveteam nga kami. Iba talaga ‘yung chemistry namin onscreen,” notes Regine.

Para kay Aga, award-winning ang performance ni Regine sa movie. “Feeling ko in this movie, kailangan siyang mapansin dito. Mahirap talaga ang ginawa niya dito. Sinabi ko sa’yo, dapat bigyan ka ng award dito. I’m just happy na after 12 years, nagawa pa kami ng pelikula ulit.”

Directed by Bb. Joyce Bernal and produced by GMA Films and Viva Films, Of All the Things will be shown nationwide starting September 26. -- Michelle Caligan, GMANetwork.com