
Tulad ng ibang pamilya ay may naka-set rin na house rules sina Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid. Simula nang dumating ang anak ni Ogie na si Leila sa Manila ay naging parte na rin siya ng rules sa Alcasid household.
Kuwento ni Regine sa Sarap Diva nitong February 17 ay hindi naman naging mahirap para sa kanyang stepdaughter ang pagkakaroon ng rules. Ipinakita rin umano ni Leila na may respeto siya sa rules ng kanyang mga magulang. Aniya, "Ngayon kasi she's 20 na, she follows naman the rules. She knows naman that na may rules sa house and she follows it naman. Meron naman siyang respect doon sa rules namin ng household."
WATCH: February 17 episode of 'Sarap Diva'
Bukod sa house rules ay ibinahagi rin ni Regine ang kanilang closeness ni Leila at ang naging biro ng kanyang anak sa kanya nitong mga nakaraang araw. "We talk a lot, although lately I haven't been spending time with her kasi I'm apparently busy. Sabi nga niya, I forgot na how you look like!"