What's on TV

Regine Velasquez-Alcasid, ikinuwento na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang tumulong sa moving on stage ng kanyang ina

By Maine Aquino
Published October 5, 2017 12:47 PM PHT
Updated October 5, 2017 12:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ni Mommy V na nakatulong ang AlDub na maibsan ang kanyang kalungkutan nang pumanaw ang asawang si Mang Gerry.

Sa special birthday celebration ni Mommy Teresita Velasquez sa Sarap Diva, ibinahagi ni Regine Velasquez-Alcasid na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang nakatulong sa pag-move on ng kanyang ina nang pumanaw si Gerardo "Mang Gerry" Velasquez. 

IN PHOTOS: AlDub in Mommy V's 'Sarap Diva' birthday celebration

 

A post shared by SarapDiva (@sarapdiva) on


Kuwento ni Regine, "My father passed away nga so parang 'yung Alden, si Alden at si Maine parang 'yun 'yung naging moving on stage niya. 'Yun na 'yung naging outlet niya."

Kilig na kilig naman na ibinahagi ni Mommy Teresita o mas kilala bilang Mommy V na ang phenomenal love team ang nakapawi ng kanyang lungkot. Aniya, "Sumaya na ulit ako eh. Parang nabuhay 'yung ano ko kasi malungkot ako, 'pag nakita [ko] sila wow ang cute nila. Parang may kilig 'di ba?"

Nakakatuwang dagdag niya, "Naalala ko 'yung kami ni Papa na sweet."

Panoorin ang ilan pang kaganapan sa birthday ni Mommy V with Alden and Maine sa video below:


Catch more of Alden and Maine this Saturday, October 7, sa Sarap Diva.