
Dalawang taon na mula ng pumanaw ang ama ni Regine na si Mang Gerry.
By OWEN ALCARAZ
"We miss you papa," 'Yan ang short but sweet caption ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez kahapon sa kanyang Instagram post.
Dalawang taon na mula ng pumanaw ang ama ng singer na si Gerardo Velasquez o mas kilala sa showbiz as Mang Gerry. Ayon sa mga doctor, cardiac arrest ang ikinamatay ni Mang Gerry. He was 76.
Inalala ng pamilya Velasquez si Mang Gerry sa pamamagitan ng sama-sama nilang pagdalaw sa sementeryo kahapon, February 3.
Sa gitna ng paggunita ng pamilya sa naging buhay ni Mang Gerry, nagdiwang din sila para sa kaarawan ni Cacai, isa sa mga nakababatang kapatid ni Regine na dati nang sumubok sa mundo ng showbiz bilang recording artist. Ang mga awiting "As still as a photograph" at "Forever Blue" ay ilan sa mga sumikat niyang awitin.
Sa edad na 44, si Cacai ngayon ay may apat na anak sa asawang si Raul Mitra, isang musical director. Bagama't hindi na active sa pagkanta, si Cacai ay parte ng management team ni Regine ngayon.
MORE ON REGINE VELASQUEZ:
READ: Countdown to Regine Velasquez's Royals concert trends on Twitter
READ: Bagong show ni Regine Velasquez na 'Poor Señorita,' agad nag-trend sa Twitter