Makakasama ni Joey de Leon sina Jennylyn Mercado at Regine Velasquez sa bagong season ng 'StarStruck' bilang mga hurado.
By BEA RODRIGUEZ
Nakilala na natin ang 35 contestants na maglalaban-laban sa bagong season ng StarStruck upang makamit ang kanilang pangarap na maging isang ganap na artista at ang desisyon ay nakasalalay sa kamay ng mga hurado.
Makakasama ng Eat Bulaga Dabarkads Joey de Leon sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at first Ultimate Female Survivor ng reality-based artista search na si Jennylyn Mercado bilang mga bagong hurado sa Season 6.
“Happy to be part of the whole process kasi kumbaga nakasalalay din sa aming tatlo ‘yung pagpili ng ating susunod na artista o superstar so medyo may pressure nang konti at the same time pero it’s very exciting,” saad ng veteran singer sa report ng Balitanghali.
Binahagi naman ni Jen na nakikita niya ang kanyang sarili sa mga StarStruck hopefuls, “’Yung mga pinagdaanan namin, hindi basta-basta eh lalo na noong una hindi namin alam ano'ng pinasok namin so feeling ko nararamdaman ko ang pakiramdam nila.”