What's Hot

Regine Velasquez, ayaw dayain ang kissing scene nila ni Mikael Daez sa 'Poor Señorita'

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Nagpaalam ba si Regine sa asawa niyang si Ogie Alcasid bago gawin ang kissing scene with Mikael Daez?


Kaabang-abang talaga ang Poor Señorita hindi lang dahil ito ang pagbabalik ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid kung 'di na rin sa kanyang makaka-love team sa Telebabad soap na si Mikael Daez.

Kahit malayo ang agwat ng edad nina Regine at Mikael, hindi raw ibig sabihin nito na hindi na nila puwedeng gawin ang ginagawa ng mga magkaka-love team tulad ng pagkakaroon ng kissing scene.

READ: Mikael Daez, excited nang maka-love team si Regine Velasquez

Sa istorya ng Poor Señorita na ipapalabas na ngayong March 28, makaka-one night stand ni Rita (Regine) si Paeng (Mikael) at dito na magaganap ang nasabing kiss. "Mayroon talaga, hindi ko dinadaya 'yung mga ganoon," saad ng Kapuso singer-actress.

Dagdag pa niya, "'Yung mga ganyan namang kissing scene, hindi naman ako 16 [years old] pero alam ko naman kung hanggang saan ang limitations."

READ: Regine Velasquez, may kakaibang scene sa 'Poor Señorita?'

Nagpaalam ba siya sa asawang si Ogie Alcasid bago niya gawin ang kissing scene? "My husband is like the most game of all. And you all know him. Hindi kailangang [magpaalam]. Alam niya na 'yon," agad na sagot ni Regine.

Ang tanging poproblemahin lang daw niya ay ang anak na si Baby Nate. Aniya, "Medyo takot lang ako siyempre kay Nate kasi knowing him, he will be asking questions na why, Mama? Hopefully, hindi niya mapanood pero if he does, I just need to explain that it's just work," pagtatapos ng bida ng Poor Señorita.

?MORE ON 'POOR SEÑORITA':

Poor Señorita: Ngayong March 28 na!

?IN PHOTOS: 'Poor Señorita' press conference

Netizens begin countdown to 'Poor Señorita'