
Pabirong binato ng sapatos ni Regine si Nar matapos nitong gawan ng magandang bali ang kanta.
Isa daw sa mga highlights ng kanyang 2016 na maituturing ang mabato ng sapatos ni Asia's Songbird Regine Velasquez, ayon 'yan sa post today (Dec. 30) ng singer-comedian na si Nar Cabico.
Naganap ang nasabing pambabato during rehearsals ng Superstar Duets kung saan kinakanta ng tatlong natitirang contestants na sina Jerald Napoles, Rita Daniela at Nar ang awiting pinasikat ni Regine na 'You are my song.'
Pabirong binato ng sapatos ni Regine si Nar matapos nitong gawan ng magandang bali ang kanta.
Very vocal naman si Nar sa pagsasabing si Regine ay kanyang idolo sa pagkanta.
MORE ON NAR CABICO:
Nar Cabico, excited na para sa finals ng 'Superstar Duets'
Nar Cabico, muntik paalisin ng lady guard nang lapitan si 'My Love from the Star' leading lady Jennylyn Mercado?