
Sino ang Hollywood actress na ito?

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
After five years, muling sasabak sa full-length drama ang Kapuso singer-actress na si Regine Velasquez. Siya ang bibida sa malapit nang ipalabas na Telelebad show na Poor Señorita.
READ: Regine Velasquez, may revelation tungkol sa pagganap niya sa 'Poor Señorita'
Taong 2011, matatandaang nakatambal ng Asia's Songbird si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa I Heart You, Pare. Sa kalagitnaan ng show ay pinalitan siya ni Iza Calzado dahil sa kanyang pagbubuntis kay Baby Nate.
Kahit na mababawasan ang oras ni Regine para sa pamilya, inamin niya na excited siya sa kanyang bagong Kapuso project. "It's of course again, drama but more on comedy actually," saad niya.
READ: Regine Velasquez, nakakaramdam na ng separation anxiety kay Baby Nate dahil sa 'Poor Señorita'
Isang successful businesswoman na nagngangalang Rita ang bibigyang buhay ni Regine. Ayon sa kanya, isang Hollywood star daw ang peg niya sa kanyang role.
"Ang pine-peg ko ngayon ay 'yung sa The Devil Wears Prada, 'yung character ni Meryl Streep doon," bahagi niya.
Dagdag pa niya, "Yung nakakatakot without raising her voice, 'yung tingin-tingin lang. So I will try to do that. Of course I'm not Meryl Streep, parang kahit yata kuko niya malayo ako. But 'yon 'yung peg namin for the character."
MORE ON POOR SEÑORITA:
Jillian Ward, naninibago sa pagsabak sa comedy sa 'Poor Señorita'
Mikael Daez, handa nang magpa-kuwela sa 'Poor Señorita'
Regine Velasquez, ni-request na maging part sina Elyson de Dios at Ayra Mariano ng 'Poor Señorita'