
The miscarriage became a turning point in Regine's life.
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Ito na ang tamang panahon upang aminin ni Regine Velasquez-Alcasid sa publiko ang pinagdaanan nilang pagsubok noon ni Ogie Alcasid.
Ayon sa Saksi, ibinahagi raw ng Asia's Songbird sa kanyang interview sa Tonight With Arnold Clavio na nalaglag ang kanyang dinadalang baby bago pa sila ikasal ni Ogie noong December 2010. Inamin ni Regine na naapektuhan nang lubos hindi lang ang kanyang emosyon kundi pati na rin ang ispiritwal na aspeto ng kanyang buhay.
Dahil sa pagkawala ng kanilang panganay na anak, hindi raw napigilan ni Regine na magtanim ng galit. "During noong time na 'yon, galit na galit ako kay God kasi nga I lost the baby. Kaunti-kaunti pumupunta na ako sa Victory [Christian Fellowship church]. My husband didn't want to force me so slowly, nag-build ulit 'yung relationship [ko] with Christ," paliwanag ng Poor Señorita star.
Ang pangyayari raw na ito ang nagtulak kay Regine na magpa-convert bilang Born Again Christian mula sa pagiging Katoliko noong taong 2013.
Abangan ang full interview ni Regine ngayong Miyerkules ng gabi sa 6th anniversary special ng Tonight With Arnold Clavio.
MORE ON REGINE VELASQUEZ:
Regine Velasquez, nakakaramdam na ng separation anxiety kay Baby Nate dahil sa 'Poor Señorita'
Regine Velasquez-Alcasid, grateful for 'Sarap Diva's' Anak TV seal
Regine Velasquez-Alcasid helps the elderly thru benefit concert