
Bumuhos ang mabigat na emosyon sa loob ng Bahay Ni Kuya matapos ang mga nangyari sa unang eviction night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Inanunsyo na ng hosts ng programa kung sino ang dalawang housemates na uuwi na at tuluyan nang babalik sa outside world.
Ang housemates na unang na-evict sa reality competition ay sina Reich Alim at Waynona Collings.
Mananatili naman sa loob ng iconic house ni Kuya sina Fred Moser at Princess Aliyah.
Subaybayan ang pagpapatuloy ng kanilang journey bilang Kabataang Pinoy housemates kasama ang iba pang Sparkle at Star Magic artists.
Ano pa kaya ang susunod na mga twist at sorpresa mula kay Big Brother na masasaksihan sa hit collaboration project ng GMA at ABS-CBN?
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 nang live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'