
Isa sa mga patuloy na pinag-uusapang celebrity couples sa showbiz ay sina Issa Pressman at James Reid.
Mula sa kanilang sweet photos hanggang sa pagdalo sa iba't ibang events, kapansin-pansin ang pagiging supportive at malambing ng dalawa sa isa't isa.
Pero kasabay ng papuri sa kanilang chemistry, hindi pa rin nawawala ang ilang lumang akusasyon online. Lalo na ang isyu umano ng pagkakadawit ni Issa sa hiwalayan nina James at dating girlfriend na si Nadine Lustre.
Sa isang panayam sa YouTube channel ni Karen Davila, muling binalikan ni Issa kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Kuwento niya, matagal na silang magkakilala mula pa noong kanilang teen years, at nagsimula sila bilang magkaibigan.
"Him and my sister got close. They have the same birthdays so they usually celebrate their birthdays together. Every now and then he was like 'kuya' the same way as my best friends were my ates. But then now we're solid best friends," ani Issa.
Kalaunan, sumama na rin si Issa sa Careless, ang music label ni James. Ayon sa aktres, pareho silang may ibang karelasyon noon, at naging single sila sa loob ng dalawang taon.
"When I met the biggest love that I've met in my life came the biggest challenge," pahayag ni Issa.
Ibinunyag din niya na bago nila inanunsyo ang kanilang relasyon, nag-message muna siya kay Nadine bilang respeto.
"Then of course, out of respect for them, I told her ' We started dating and I really want to see where this is going to go,'" aniya. "She was so kind and was saying, 'Good morning. To be honest, that's been a lifetime ago, I appreciate you telling me. I wish you guys the best of luck.' From then, okay everything's clear, everything's good, let's go out in public na and so we did we."
Naging usap-usapan ang dalawa nang makita silang magkasama sa Harry Styles concert noong 2023. Kasabay nito ang pagdagsa ng cyberbullying laban kay Issa, na aminado siyang naging mabigat na yugto ng kanilang relasyon.
Ngunit sa kabila nito, lalo raw tumibay ang pagmamahalan nila.
"Like the more they pulled us apart, the closer we got. And then the more they tried to like break us up, the more we fell in love with each other because we saw each other's like all of our ugliest truths, you know, all of our ugliest versions," emosyonal niyang sinabi.
Ngayon, masaya ang relasyon nina Issa at James, at tuloy-tuloy ang kanilang suporta sa isa't isa sa career at sa personal na buhay.
Ibinahagi rin ng aktres kung gaano niya hinahangaan ang consistent love at support na ibinibigay sa kanya ni James.
Tingnan ang sweet photos nina Issa Pressman at James Reid sa gallery na ito: