
Ilang romantic beach photos ang ibinahagi ni Bea Alonzo at Dominic Roque kamakailan.
Makikita ditong magkasama sina Bea at Dominic sa pampang at nag-e-enjoy ng candlelit dinner.
Walang caption ang post kundi isang finger heart emoji.
Dahil dito, maraming haka-haka na nag-propose na si Dominic kay Bea.
Nilinaw naman ni Bea na hindi pa sila engaged ni Dominic.
"'Yun, picture 'yun noong nagpunta kami sa Amanpulo. Akala ng mga tao na engaged kami. Hindi, hindi pa po," pahayag ni Bea sa isang interview habang nasa set ng kanyang upcoming series na Love Before Sunrise.
Isa na namang makasaysayang collaboration ng GMA Network at Viu Philippines ang serye kung saan makakapares ni Bea si Kapuso Drama King Dennis Trillo.
Nakatapos na sina Bea at Dennis ng 18 araw ng taping para sa serye at ibinahagi ni Bea ang ilang behind-the-scenes photos mula dito.
"Masaya katrabaho si Bea kasi doon sa 20 years na hindi ko siya naka-trabaho, nakita ko 'yung sobrang laking improvement," papuri ni Dennis sa co-star.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/102193/dennis-trillo-napabilib-kay-bea-alonzo-sa-love-before-sunrise/story
NARITO ANG EXCLUSIVE FIRST LOOK SA MGA KARAKTER NINA DENNIS TRILLO AT BEA ALONZO SA LOVE BEFORE SUNRISE: