GMA Logo Andrea Brillantes
Source: blythe (IG)
What's Hot

Andrea Brillantes, may tips para maka-move on mula sa breakup

By Jimboy Napoles
Published July 17, 2023 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Brillantes


Andrea Brillantes: 'Kailangan mo talagang isipin 'yung mga bagay na, talaga ba? Iiyakan ko 'yung lalaking hindi nagpapa-laundry ng isang taon?''

Nagkuwento ang Gen Z actress na si Andrea Brillantes sa recent vlog ng It's Showtime host na si Vice Ganda kung paano niya nagawang maka-move on mula sa isang relationship breakup.

Ayon kay Andrea, nakatulong sa kanyang moving on stage ang naging solo travel niya kamakailan sa Spain kung saan siya nakapaglibang at nag-enjoy.

Bukod pa rito, sinabi rin ng dalagang aktres sa naturang vlog na ang kanyang ideya ng self-love ang nagtulak din sa kanya upang tuluyang maka-get over sa lungkot na dulot ng breakup.

Aniya, “Isa po sa mga pangarap ko is maging mommy kasi galing po ako sa parang broken family, so paano ko ma-aadvice sa anak ko 'yun kung hindi ko kayang gawin sa sarili ko?

“So kailangan ko munang gawin 'to at mapakita ko na may self-value ako para magkaroon din ng self-value 'yung anak ko at matuturo ko sa kanya 'yung tama.”

Aminado naman ang aktres na mahirap talaga ang mag-move on pero payo niya, “Minsan, kung hirap ka talagang mag-move on, kailangan mo talagang isipin 'yung mga bagay na 'Talaga ba? Iiyakan ko 'yung lalaking hindi nagpapa-laundry ng isang taon?' Mga ganun.”

Sumang-ayon naman dito si Vice at sinabing, “Kailangan mong isipin 'yung mga nakaka-turn-off about him. Totoo 'yun.”

“Nakakatulong po na parang, 'Iniyakan ko 'yung ganyan?'” sundot pa ni Andrea.

Mayroon pa nga raw sa na-realize si Andrea nang tuluyan na siyang nakaalpas sa masakit na hiwalayan nila ng ex-partner.

Aniya, “Mari-realize mo na hindi pala talaga siya special, 'yung pagmamahal ko 'yung nagpa-special doon sa tao.”

Samantala, matatandaan na naging kontrobersiyal ang recent break-up ni Andrea sa ex-boyfriend niya na ngayon na si celebrity basketball player Ricci Rivero.

Kamakailaan, sumalang pa si Ricci sa isang interview sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan kinumpirma nga niya ang naging hiwalayan nila ni Andrea.

BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA ANDREA BRILLANTES AT RICCI RIVERO SA GALLERY NA ITO: