GMA Logo Klea Pineda Katrice Kierulf
PHOTO COURTESY: niceprintphoto (IG)
What's Hot

Klea Pineda, mas naging espesyal ang GMA Gala 2023 dahil sa girlfriend na si Katrice Kierulf

By Dianne Mariano
Published July 24, 2023 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda Katrice Kierulf


Nakasama ni Sparkle actress Klea Pineda ang kaniyang girlfriend na si Katrice Kierulf sa naganap GMA Gala 2023.

Mas naging espesyal para sa Sparkle star na si Klea Pineda ang GMA Gala 2023 dahil mayroon siyang date sa highly anticipated event. Ito ay walang iba kung hindi ang kaniyang girlfriend na si Katrice Kierulf.

“Mas naging special 'yung GMA Gala tonight because I have a date for the first time,” pagbabahagi niya sa GMANetwork.com.

Ito naman ang unang pagkakataon ni Katrice na makadalo sa nasabing event.

Aniya, “First time ko rito and to be honest, I'm actually nervous kasi first time ko rin mag-red carpet, but I'm overwhelmed with all the artists who are here, who are very gorgeous, very dashing pero siyempre ang pinaka-gorgeous talaga is Klea Pineda, my date.”

Ayon pa kay Katrice, naging emosyonal siya nang imbitahin siya ni Klea sa GMA Gala 2023 para maging date nito.

“Umiyak ako, happy tears talaga. Kilig to the highest level,” kuwento niya.

Samantala, ibinahagi ng StarStruck Season 6 Ultimate Female Survivor na sila ni Katrice ay very hands-on pagdating sa kanilang paghahanda para sa event.

“Very hands-on kaming dalawa ni Katrice pagdating dito sa gala night na 'to kasi since, I think, last month pa pinagpaplanuhan na namin siya and talagang 'Oh, dito ka sa plans mo, ako mag-aayos ng schedules natin.' Sobrang nag-teamwork kaming dalawa para sa night na 'to and I think we did a great job naman,” ani Klea.

Ang GMA Gala 2023 na ginanap noong Sabado, July 22, ay nagsilbi ring fundraising event, kung saan ang nalikom na pondo ay ibabahagi sa GMA Kapuso Foundation at iba pang charitable institutions.

TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NG BRIGHTEST STARS SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 DITO.