GMA Logo Andrea Torres
What's Hot

Andrea Torres, balik na sa pakikipag-date?

By Kristian Eric Javier
Published February 13, 2024 5:31 PM PHT
Updated February 13, 2024 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Missing bride-to-be na si Sherra de Juan, sa Pangasinan nakita
Bentahan ng paputok sa Dagupan City, bente kwatro oras na | One North Central Luzon
P-pop boy group VXON announces first concert

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Matatagpuan na ba ni Andrea Torres ang romance ngayong 2024?

Matapos ang ilang taon na buhay single, nagbabalik na sa dating scene ang former Love Before Sunrise actress na si Andrea Torres.

Ang huling relasyon ni Andrea ay sa kapwa aktor na si Derek Ramsay na nagsimula noong 2019. Nagtapos ito noong Nobyembre 2020 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.

“Yes, Derek and I are no longer together. I'd rather keep the details private as I want to give the breakup the same amount of respect that I had for the relationship,” sabi ni Andrea.

Sa interview ni Andrea sa Updated with Nelson Canlas podcast ay kinumpirma niyang balik na siya sa “dating game.”

“Yes! Actually, matagal-tagal na rin. Hindi kasi ako 'yung maya't-maya, medyo may gap talaga,” sabi niya.

Sabi ni Andrea, mga kaibigan niya mismo ang nagpapakilala sa kaniya ng mga ide-date ngunit imbis na boyfriend, mas dumami umano ang mga naging kaibigan niya dahil dito.

“Lumalawak ang mundo ko, and ngayon din na nagta-travel ako, nakakatuwa kasi siyempre parang nakaka-meet ka ng iba-ibang klaseng tao, tapos nalalaman mo 'yung buhay nila,” sabi niya.

Dagdag pa ng aktres, “Parang ine-enjoy ko lang talaga. Ganun pa rin naman, single, pero happy and nag-e-enjoy, nag-e-explore ng buhay.”

BALIKAN ANG MGA NAGING LEADING MAN NI ANDREA SA GALLERY NA ITO:

Nilinaw ni Andrea na siya ay single ngayon at dating, “but not exclusively.” Sinabi rin niya na wala pa siyang dine-date na taga-ibang bansa dahil “parang hindi ko kaya ng LDR.”

“Mas may growth siguro 'pag ganu'n although depende rin e. Kung 'yung schedule mo kaya naman, hindi ka naman 'yung tipo na gusto mo naha-hug mo siya, naki-kiss mo siya,” sabi niya.

Ngunit kahit ganoon ay nilinaw naman ni Andrea na hindi siya clingy type na girlfriend, at sinabing marami pa siyang dreams and goals na gustong matupad kaya mas focused siya ngayon sa trabaho.

“Ideally talaga, makakita ka ng tao na ipu-push ka rin sa pangarap mo, hindi ka isa-stop sa mga gusto mong marating pa sa buhay,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Andrea dito: