GMA Logo Darren Espanto, Vice Ganda
Source: darrenespanto (IG)
What's Hot

Darren Espanto, may girlfriend nang manood ng Bruno Mars concert?

By Aedrianne Acar
Published May 21, 2024 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Darren Espanto, Vice Ganda


Bakit memorable ang Bruno Mars concert na pinuntahan noon ng 'It's Showtime' host na si Darren Espanto?

Bukas na pinag-usapan ng singer na si Darren Espanto ang past relationship niya sa latest vlog ni Vice Ganda.

Sa "JEEPpool karaoke" vlog ni Meme Vice, nagkuwento ang singer heartthrob tungkol sa ex-girlfriends niya tulad ng Sparkle actress na si Kyline Alcantara.

Pag-amin ni Darren kay Vice na “walang label” ang mga naging dati niyang nakarelasyon.

Aniya, “Ang problema kasi sa akin, [medyo] hindi ako 'yung nagtatanong.”

Sumunod na tanong ng Unkabogable Star: “Ah, so 'yung mga relationships mo walang label?”

“Oo, pero may, I love you na, lahat! 'Yun lang walang label, saka exclusive.” sagot ng The Voice Kids finalist.

Source: Vice Ganda (YT)

Umamin din siya sa chikahan nila ni Vice Ganda na ang pinakamahal na naibigay niya sa girlfriend ay isang singsing. Tinatago pa raw niya sa kanyang mga magulang ang mga inireregalo niya.

Pagbabalik-tanaw nito, “Ang hirap nung mas bata ako, kasi tinatago ko kay Mommy saka kay Daddy 'yung mga binibili ko. Kasi siyempre, under sa magulang 'yung mga finances ko at that time. Until now naman, so alam mo 'yung may gustong gusto akong bilhin para sa jowa ko, pero hindi ko masabi 'oh this is gonna be for my jowa, ganun.' So nangungutang ako sa mga kaibigan.”

Extra juicy naman ang mga sumunod na tanong ni Vice kay Darren lalo na nang mapunta ang usapan nila sa pinakamahal na natanggap niyang regalo mula sa girlfriend.

“Dalawa na ang nagbigay sa akin ng shoes. Tapos 'yung last, concert tickets na platinum sa Bruno Mars. Mahal talaga,” tugon ni Darren.

Sabat ni Vice, “Last year? Late last year. Oo, nagpunta ako nun sa Bulacan. Ah! May jowa ka last year. Sino jowa mo last year?”

Nakangiting sagot ng Kapamilya singer, “Hindi natin sure. 'Di joke lang. Hindi, parang ayoko na pag-usapan.”

Napatanong si Vice kay Darren kung hindi ba sila okay nung tinutukoy niya. Agad na paglilinaw naman ng binata na okay sila, pero hindi na sila nung taong 'yun at nanatili na lang silang magkaibigan.

Napahirit na lang si Meme ng “So sa ating mga kaibigan, mga netizen, pakikalkal na lang po kung sino mga kasama ni Darren Espanto nung mga panahong nanood siya ng Bruno Mars dito sa Pilipinas.”

Matatandaang nagdaos ng two-day concert si Bruno Mars sa Philippine Arena sa Bulacan noong June 24 at 25, 2023.