GMA Logo Mika Dela Cruz and Nash Aguas relationship
What's Hot

Mika Dela Cruz at Nash Aguas, inaming nag-break noon matapos ang anim na taong relasyon

By Aimee Anoc
Published June 4, 2024 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Dela Cruz and Nash Aguas relationship


Inamin ng newlywed na sina Mika Dela Cruz at Nash Aguas na nag-break sila noon matapos ang anim na taong relasyon. Alamin pa ang kanilang kuwento rito.

Hindi napigilang maging emosyonal ni Mika Dela Cruz habang ikinukuwento ang naging breakup nila noon ng ngayo'y asawa niyang si Nash Aguas.

Sa interview kay Bernadette Sembrano, inamin nina Mika at Nash na nag-break sila noon matapos ang anim na taon nilang relasyon.

Ayon kina Mika at Nash, kailanman ay hindi nila ipinaalam sa ibang tao na nag-break sila--kahit na sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Para sa kanila, hinarap nila ang sakit ng naging break up nila noon sa Diyos lamang.

"We were dealing with it separately kay God talaga. Everytime I feel heavy or crying, it's just me and Him po. I didn't have to like tell other people... kasi they wouldn't be able to give me the comfort din po na talagang kahit ano pang sabihin nila, iba 'yung comfort na I can just feel God," pagbabahagi ni Mika.

Bukod dito, pinili nilang hindi na ipaalam sa iba ang kanilang naging breakup dahil ayaw na rin nilang mag-alala at masaktan pa ang mga ito.

Pag-amin ni Nash, "I felt really lost din with my purpose, nalaman ko lang na 'yung purpose ko talaga is basically with God. Doon lang ako nakakuha ng peace amidst all of the fame na pinagdaanan, like when it comes to position sa politics with money, wala e, walang peace.

"Ang tagal na rin naming pinaplano, gusto ko ng mag-propose sa kanya pero ang daming hindrances," dagdag ng aktor. "Noong time na, it came to a point na kailangan ko ng mag-propose pero parang 'yon nga parang walang peace doon.

"And then I prayed that prayer na 'Lord, for the first time in six years, this year was the toughest between the both of us. You know I love her but I've been trying to fix our relationship by our own wisdom.' So sabi ko, 'Your will be done. I submit to you even na kahit hindi kami, okay lang.'"

Pagpapatuloy naman ni Mika, "We love each other. We were ready kasi mahal nga po namin ang isa't isa. Pero parang may kulang po e', it didn't sit right po talaga.

"Kasi noong time po na 'yun nu'ng pandemic, that was nu'ng namatay ang dad ko, tapos lumabas po lahat ng sakit ko po, health conditions ko. Siyempre, it's heavy on me financially din kasi I had to leave work kasi autoimmune disease po, hindi na pwede rin magpuyat and everything... I went through a lot din. Lagi n'ya sinasabi sa akin na ang tagal n'ya na nga po akong hindi nakikitang masaya.

"Feeling ko po lahat na tinanggal sa akin--trabaho, I had to leave school din po because 'yung memory problems ko papasok ako sa school I couldn't grasp any information na talagang mental block po. And then sabi ko, bakit pati itong relationship na naging constant ko po, tapos naghiwalay po kami parang what, bakit pati siya?"

Ani Mika, sa paghihiwalay nila ni Nash doon nila natagpuan ang purpose ng Diyos para sa kanilang dalawa.

"Kumbaga, answered prayer siya for me," sabi ni Nash. "Yes, kung hindi ako nag-pray like for sure aayusin namin 'yun pero may ibang guidance e.

"Kasi oftentimes we're relying on our own wisdoms, pero ang tanong at that moment iyon ba 'yung the best for us. Iyon ba 'yung makakatulong sa amin. So noong time na 'yun, ginive up ko na kasi sabi ko, 'Lord, I've been trying to rely on my own wisdom and walang nangyayari, ilang years. That was the first moment na sabi ko, 'Ikaw na.'

"Masakit siya, obviously. Like 'yung desires ng heart ko against talaga siya pero alam kong will ni Lord, may peace."

Pag-amin naman ni Mika, naging sobrang "confusing" din nito sa kanya na pinaghiwalay sila ni Nash at pinagbalik din silang dalawa.

"Sobra pong confusing. That time when we were together po parang naging idol na rin namin ang isa't isa. Our world revolves around each other. Hindi na namin center si Lord po. So, talagang it was painful but God had to do that po para ma-reset kami."

Noong May 18, ikinasal na sina Mika at Nash sa Adriano's Events Place sa Tagaytay.

Panoorin ang buong interview nina Mika at Nash sa video na ito: