GMA Logo Gary Estrada and Bernadette Allyson
PHOTO SOURCE: @bernadetteallyson_e
What's Hot

Gary Estrada at Bernadette Allyson, bakit naghiwalay bago ikasal?

By Maine Aquino
Published June 10, 2024 4:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Gary Estrada and Bernadette Allyson


Inamin nina Gary Estrada at Bernadette Allyson na dati silang naghiwalay pero nauwi rin ito sa kasalan. Alamin ang kanilang kuwento:

Isang nakakagulat na pag-amin ng celebrity couple na sina Gary Estrada at Bernadette Allyson tungkol sa hiwalayan at kasalan ang napanood sa Sarap, 'Di Ba?

Noong June 8, ikinuwento nina Gary at Bernadette na naghiwalay sila noon bago sila ikasal.

Pag-amin ni Bernadette, "Naghiwalay kami, 10 months together and then after 10 months we broke up, ewan ko, Christmas of that year. Parang nagkaka-falling out of love, busy sa trabaho, pareho kaming busy tapos hindi ko alam. Actually hindi ko na alam."

PHOTO SOURCE: bernadetteallyson_e

Ayon pa kay Bernadette, isang taon silang hiwalay at nagka-girlfriend pa si Gary ng iba. Si Bernadette naman ay nakikipag-date sa iba noong panahon na naghiwalay sila ni Gary.

"Nagkaroon kami ng one year apart. Nagkaroon pa siya ng girlfriend na iba na non-showbiz. After a year, biglang nagpaparamdam. Nagpaparamdam siya through text sa akin. Ako naman wala pa akong boyfriend noon. Dating pero walang boyfriend, walang commitment."

Inilahad ni Bernadette kung paano muling nagparamdam si Gary sa kanya.

"2001 noong bumalik siya parang gusto niya makipag-girlfriend boyfriend ulit, Valentine's. Sabi ko no ayaw ko pa, kasi nag-e-enjoy na ako ng dating dating. Pero I still have feelings for him kasi bumabalik siya, ine-entertain ko pa. After a month, bigla na lang siyang..."

RELATED GALLERY: Gary Estrada grateful to receive many chances in his career

Pagpapatuloy ni Gary, bigla na raw niya niyaya magpakasal si Bernadette.

"Hindi ko na pinadaan sa boyfriend-girlfriend, inalok ko na ng kasal."

Laking gulat daw ni Bernadette sa mga pangyayari. Ayon sa aktres, "May ring, that was March, nakalimutan ko na ano'ng date pero March. So ako naman, 'oh my God, may ring.' Tapos nag-yes ako. Sa kasal nag-yes pero sa boyfriend-girlfriend nag-no, ewan ko ba ano'ng nakain ko."

Inamin pa ni Bernadette na ilang buwan lang ay ikinasal na sila ni Gary.

"3 months lang kasi June 16 we got married. Pinanindigan niya talaga 'yung marriage."

Panoorin ang kanilang kuwento rito:

SAMANTALA, NARITO ANG LARAWAN NG MGA ANAK NINA GARY AT BERNADETTE: