Yassi Pressman and Jon Semira's engagement photos, video go viral after their breakup

Kinumpirma kamakailan ni Jon Semira ang hiwalayan nila ni Yassi Pressman.
Kasunod naman nito ay ang paglabas ng mga litrato at video, na kumakalat ngayon sa social media, tungkol sa naging engagement noon nina Yassi at Jon.
Viral ngayon ang proposal video, kung saan ipinakita ang naging preparation ni Jon para sa espesyal na araw nila ni Yassi.
Ang 10-minute film ay gawa ng Notion in Motion, ang nag-cover sa mismong surprise proposal.
Kabilang din sa laman ng video ang pagbabahagi ni Jon kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila noon ni Yassi. Ipinakita rin niya kung sino ang mga naging kasabwat at nakatulong niya para sa kanyang mga plano.
Ang highlight naman ng engagement video ay ang mga naging kaganapan nang isinagawa na ni Jon ang wedding proposal niya para kay Yassi.
Narito ang ilang tagpo mula sa marriage proposal ni Jon Semira kay Yassi Pressman:









