Babaeng mula sa Poland, pinili ang payak na buhay sa Surigao del Sur

GMA Logo Pinoy Polish Family
Photos from GMA Public Affairs (YT)

Photo Inside Page


Photos

Pinoy Polish Family



May maayos na buhay at magandang trabaho sa Poland ang 35-year old na si Joanna Dabrowska Buniel.

Gayunpaman, mas pinili niya ang payak na buhay rito sa Pilipinas nang makilala niya ang asawang si Glen Buniel.

"All my life was scheduled. Every 15 minutes was scheduled. Here, it's very different. The life is more simple. I have more time to spend with my family, with my friends," pahayag ni Joanna.

Aminado ang kanyang asawang si Glen na may pag-aalala siya noong simula ng kanilang relasyon dahil sa pagkakaiba ng kanilang kultura.

Pero nagpapasalamat din siyang nanaig ang kanilang pagmamahalan.

"Very thankful ako na hindi siya maarte. Tinanggap niya ko nang buo, ano man ang aking sitwasyon, kalagayan sa buhay," lahad ni Glen.

Masayang naninirahan ngayon sina Joanna at Glen kasama ang dalawa nilang anak sa Surigao del Sur.

"For me, it's not so much important where are you from. It's important who you are, what is your personality, what is your priorities in your life, your principles," bahagi ni Joanna.

Silipin ang payak na buhay ni Joanna na mula sa Poland sa Surigao del Sur kasama ang kanyang pamilya.


Joanna
Glen
Surigao del Sur
Pinoy
Fish pond
Online
Wedding
Cebuano
Kids
Vlog

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes