Boy Abunda, nilinaw na hindi issue ang prenup sa Bea-Dom break up

Nilinaw ng talk show host na si Boy Abunda na hindi kailanman naging issue ang prenuptial agreement sa pagitan ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at ng kaniyang fiancé na si Dominic Roque.
READ: Bea Alonzo at Dominic Roque, kumpirmadong hiwalay na
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, February 6, ibinahagi ng King of Talk ang pagkasorpresa niya sa kumakalat na balita kung saan naging mitsa umano ng hiwalayan nina Bea at Dominic ang pagpirma sa isang prenuptial agreement.
Paglilinaw ni Boy ay kukumpirmahin pa niya ito sa kaniyang sources, ngunit sinabing hindi naman naging issue kay Dominic ang pagpirma sa prenup agreement.
“When this was being talked about, 'yung prenup po, ang nag-volunteer sa nanay ni Bea na okay ang prenup ay si Dominic,” pagbabahagi ni Boy.
Kinumpirma ni Boy na hindi naging issue kay Dominic ang pagpirma ng pre-nup “unless nabago po 'yung kuwento.”
IN PHOTOS: RELATIONSHIP TIMELINE OF BEA AND DOMINIC:
Ang prenuptial agreement ay isang kasulatan ng dalawang taong ikakasal kung saan nakaasaad kung ano ang pag-aari ng dalawa. Dito rin nakasaad ang kasunduan ng mga ikakasal kung ano ang mangyayari sa kanilang mga ari-arian kung sakaling magkahiwalay sila matapos ikasal.
Sino-sino nga bang celebrities ang may prenup agreement? Kilalanin dito:











