Yeng Constantino, imbitado ba sa kasal ng dating manliligaw na si Ryan Bang?

Kinilig ang It's Showtime hosts nang magkasama muli sa iisang stage ang singer na si Yeng Constantino at Korean comedian-host na si Ryan Bang sa noontime show ngayong Martes, October 29.
Noong January 2022, umamin noon si Ryan sa It's Showtime mismo na nanligaw siya noong 2010 kay Yeng.
Sa pagkikita nila ngayong araw, pabirong sinabi ni Yeng kay Ryan na engaged na kay Paola Huyong, “Madlang people, ako nag-iintay lang ako ng invitation, e."
Tanong ni Ryan sa kaniya, “Pupunta ka, punta ka sa kasal ko?”
Sabat ni Yeng, “Pupunta ako. Gusto n'yo sa bahay n'yo puntahan ko kayong dalawa. Ang saya ko para sa'yo. Blooming [points to Ryan] e , blooming.”
Samantala, kinanta ni Yeng sa It's Showtime ang kanyang hit single na “Ikaw.” Ipinagdiriwang nito ang 10th anniversary mula ng i-release ang kanta.
Nagpasalamat din si Ryan kay Yeng at sinabi nito na: “Tsaka 'yung kanta mo 'yung 'Ikaw' kung gusto mo Korean version, i-translate ko na lang.”
Noong Hunyo inanunsyo ni Ryan na engaged na sila ng kaniyang non-showbiz girlfriend. Samantala, ikinasal naman si Yeng Constantino kay Yan Asuncion noong February 14, 2015.
RELATED: Ryan Bang and Paola Huyong's engagement







