Jam Ignacio, humingi ng tawad kay Jellie Aw

GMA Logo Jam Ignacio and Jellie Aw
Photo source: GMA Integrated News (YT), jamignacio (IG)

Photo Inside Page


Photos

Jam Ignacio and Jellie Aw



Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan, nagsalita na si Jam Ignacio sa diumano'y pananakit niya sa kanyang fiance na si Jellie Aw.

Sa panayam kay Jam ng GMA Integrated News, Miyerkules, February 19, labis siyang humingi ng tawad kay Jellie, pati na rin sa pamilya at mga kaibigan nito.

"Sa mga kapatid, sa mga kaibigan, ito ako, nandito ako haharap sa inyo na humihingi ng taos-pusong sorry," sabi ni Jam.

Ayon sa naunang statement ni Jellie, inaabot daw ni Jam ang kanyang buhok at ito ay sinasabunutan habang nagda-drive. Ikinuwento rin nito na ang sugat naman sa kanyang mata ay ginamitan umano ng kamao at nabasag rin ang kanyang ngipin.

Paliwanag naman ni Jam na misunderstanding daw ang ugat ng away nila.

"Sa simpleng hindi pagkakaunawaan, siguro may halo na rin sigurong pagod kumbaga tao lang rin po ako, kumbaga napuno lang rin ako," paglinaw ni Jam.

Sa gitna ng paghingi niya ng tawad, ipinangako ni Jam na hindi na daw mauulit ang ganitong pangyayari at sana mabigyan siya ng pagkakataon na maayos ang kanilang gulo ng pribado.

Dagdag nito, "Gusto ko ikaw na sana yung makasama ko talaga, alam mo 'yan. May plano tayo bumuo ng pamilya, tuparin natin yan. Nagmamakaawa ako sayo, sana ayusin natin ito."

Sa ngayon, sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang pahayag ni Jellie tungkol sa paghingi ng tawad ni Jam.

Pero ayon sa sinabi ni Jellie noon, kaya niya daw patawarin ito basta dapat daw pagbayaran ni Jam ang ginawa sa kanya.

Kamakailan lamang, nagtungo si Jellie sa National Bureau of Investigation (NBI) para ireklamo si Jam sa umano'y pambubugbog sa kanya.

Simulang mag-viral ang umano'y pananakit ni Jam sa kanyang fiance nang mag-post si Jellie ng kanyang larawan na puno ng sugat matapos umanong saktan ni Jam.

Panoorin ang kabuuang interview ni Jam Ignacio dito:

Samantala, silipin sa relationship timeline na ito ang naging relasyon nina Jam Ignacio at Jelie Aw:


August 2024
Jam Ignacio and Jellie Aw
Social media
4 months
Engaged
Jam's post
Christmas 2024
New Year
News
Jellie's sister
Jam Ignacio's side

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties