What's Hot

READ: Jelai Andres post breakup with husband Jon Gutierrez: "Okay na po ako, tapos na po akong umiyak."

By Nherz Almo
Published June 7, 2019 5:55 PM PHT
Updated June 7, 2019 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Nagbago na ba ang damdamin ni Jelai Andres sa asawa niyang si Jon Gutierrez? Basahin dito:

Tila nagbago na nang bahagya ang ihip ng hangin tungkol relasyon ng mag-asawang sina Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Jelai Andres
Jelai Andres

Nitong Abril lamang ay laman ng showbiz news ang Ex Battalion member na si Jon at internet personality na si Jelai dahil sa isyu sa kanilang relasyon.

Sa katunayan, idineklara pa noon ng huli na hiwala na silang mag-asawa.

Ex Battalion's Jon Gutierrez admits fault in marital problem: "I made a mistake."

Subalit sa ginanap na press conference ng pelikulang Feelennial kanina, June 7, kapansin-pansin na tila mas magaan na ang loob ni Jelai at bukas na siyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Jon.

“Hanggang ngayon po, hindi pa rin naman siya tumitigil na ma-fix siya.

“Medyo ano pa po, masyado pa pong fresh kaya kailangan ko po munang magpagaling,” sabi ni Jelai.

Sinagot din niya ang birong dapat ay umiiyak na siya habang nagbibigay ng pahayag.

Aniya, “Okay na po ako, tapos na po akong umiyak.”

Sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com at iba pang entertainment reporters, naikuwento ni Jelai ang tungkol sa walang-tigil na panunuyo pa rin sa kanya ni Jon.

“May mga moment na nasa Sunday PinaSaya ako, nasa GMA ako, inaabangan niya ako.

“Hindi naman ako lumabas pero inaabangan niya ako, binibigyan niya ako ng flowers, teddy bears, everything.”

Katuwiran ni Jelai, ayaw raw niyang bigyan ng pag-asa ang asawa, na hindi pa naman siya siguradong maibibigay niya.

Gayunman, ngayon daw ay sinusubukan na niyang makipag-usap kay Jon.

“Binigyan ko siya ng chance magpaliwanag. Hindi kami nagkaayos, but narinig ko ang side niya, which is dati wala talaga.

“Narinig ko ang side niya, sabi niya, 'Naiintindihan kita. Pasensya ka na kasi kung lalo palang kinukulit kita, lalo palang lumalala.'

“Kasi, 'yung mga flowers na pinapadala niya sa Sunday PinaSaya, hindi ko kinukuha. Teddy bears, hindi ko kinukuha. Kapag nagpupunta do'n, pinapalagay ko lang sa table, then, iniiwan ko na.

“Ngayon, nag-uusap na kami nang maayos kasi, like, may properties kami [together] na kailangan naming pag-usapan.

“Ganun lang but naiintindihan niya kasi sinabi ko sa kanya na kailangan ko munang mag-heal.

“Kasi, may moment na, 'Sige, kakausapin kita,' pero mayroon pa ring, 'Ay, hindi, e, ano 'to, e.'

“Sa ngayon, normal lang kaming nag-uusap as mag-asawa pero hindi kami nagkikita.

“Pinapansin ko lang siya kapag importante. Pero siya, hindi pa rin siya tumitigil [sa] pagsuyo.”

Hindi rin itinanggi ni Jelai na mayroon pa rin siyang pagmamahal na nararamdaman para sa asawa.

Sabi niya, “Sinungaling po ako kung sabihin ko ng hindi ko na siya mahal kasi asawa ko po siya, nangako po ako sa Diyos.

“But sa ngayon, hindi, kaya ko pong mag-isa kahit hindi ko siya makausap.

“Wala po akong [pakialam] kung ano ang ginagawa niya. Mayroon lang ano na minsan naaawa ka.”

Kaugnay nito, hindi pa rin makapagsalita si Jelai kung itutuloy pa niya ang pagpapa-annul ng kanilang kasal.

Ani Jelai, “Hindi ko po masabi kasi natatakot po ako na magkaroon ng kasalanan sa Diyos.”

Pero inamin niya na minsan ay himuhingi siya ng legal advice tungkol dito, sabi niya, “Ngayon focus po ako sa career.

“Sa ngayon, hinihingi ko pa rin ang tamang desisyon kay God, kung ano ang tamang desisyon para sa amin.

“Hinahayaan ko siya, kung magkakaroon na siya ng iba, okay nga po 'yon, e.”

Pero agad niyang nilinaw na kung tungkol sa pakikipagbalikan, “As of the moment, it's a no.”

Nang tanungin si Jelai sa posibilidad na makahanap ng iba si Jon, agad niyang sinagot, “Mas okay, mas makakawala ako nang mabilis, and mas matutuwa ako kasi may mag-aalaga na sa kanya.

“Yun po 'yung part ko as a wife, minsan naiisip ko, 'Kumusta na kaya siya?'

“May ganun kahit naiinis ako sa kanya.”

Paano naman kaya sa kanyang parte?

Tugon ni Jelai, “Sa ngayon po, parang ang hirap po.

“Ganun po kasi ako, mahirap po akong magkagusto.

“Sa ngayon, parang kahit ipilit ko po kung magkaka-crush pa ba ako, wala po talaga.”

Sa ngayon daw ay masaya si Jelai sa mga natuklasan niya tungkol sa sarili matapos ang trahedyang sinapit ng relasyon nila ni Jon.

Aniya, Okay na po ako, Dati naiisip ko, 'Hala, paano na ako?'

“Para ka pong baldado kasi kapag na-brokenhearted ka. Kapag fresh pa, parang ganun.”

Nabanggit din niya na mas nagkaroon siya ng maraming oras sa kanyang pamilya.

“Natuto po akong mag-isa. Kaya ko pala maging masaya nang walang partner.

“Yung family ko pala nandiyan. Yung sister ko laging nandiyan, sinasamahan ako.

“Yung mga moments na hindi ko na-spend sa dad ko at sa mom ko kasi nag-asawa na ako, talagang in-spend ko na ngayon sa kanila.

“Naaawa rin ako, kasi alam kong nasasaktan din sila kapag nakikita nila akong nasasaktan.”