What's Hot

Jason Abalos, ipinagtanggol ang GF na si Vickie Rushton sa Q&A performance nito sa Bb. Pilipinas

By Aedrianne Acar
Published June 10, 2019 3:41 PM PHT
Updated June 10, 2019 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Maraming manonood at pageant experts ang nagulat nang hindi mag-uwi ng title ang returning candidate na si Vickie Rushton sa 2019 Binibining Pilipinas pageant night.

Maraming manonood at pageant experts ang nagulat nang hindi mag-uwi ng title ang returning candidate na si Vickie Rushton sa 2019 Binibining Pilipinas pageant night.

Jason Abalos and Vickie Rushton
Jason Abalos and Vickie Rushton

Pia Wurtzbach, may mensahe kay Vickie Rushton na bigo makasungkit ng korona kahit humakot ng special awards

Umpisa pa lang ng kompetisyon, humakot na ng special awards ang beauty queen mula Negros Occidental.

Pero matapos pumasok sa Top 15, nabigo siyang makakuha ng korona. Noong 2018, itinanghal na first runner-up ang girlfriend ng Kapuso actor na si Jason Abalos.

Sa tweet naman ni Jason, naglabas ito ng saloobin sa naging resulta ng Binibining Pilipinas at ang naging performance ng kanyang girlfriend sa Q&A portion.

Saad ng aktor, “Sobrang prepared siya sa lahat, pinaghandaan nya talaga 'to. Hindi lang siya handa sa fans ng ibang candidates na nag-ingay noong siya na ang sumasagot sa Q&A, hindi ko sila masisisi. Kung ako man siguro iba ang bet ko tapos hakot awards 'yung isa, makakaramdam din ako ng takot.”

“Pero tapos na guys, ok na yan. Happy ang lahat ng candidates sa naging experience nila, marami sila natutunan, matuto na din tayo rumespeto ng ibang tao. Kung mas magaling kayo wag na kayo magyabang.”

Itinanghal na successor ni Catriona Gray ang Cebuana pride na si Gazini Ganados, samantalang inuwi naman ng beauty queen/lawyer na si Bea Magtanong ang titulo ng Bb. Pilipinas-International 2019.