What's Hot

Is there a brewing romance between Benjamin Alves and model Chelsea Robato?

By Nherz Almo
Published July 14, 2019 10:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Benjamin Alves and model Chelsea Robato share sweet moments at the latter's birthday party.

Tila may namumuong espesyal na relasyon sa pagitan ng aktor na si Benjamin Alves at model na si Chelsea Robato.

Chelsea Robato at Benjamin Alves
Chelsea Robato at Benjamin Alves

Sa ilang Instagram Stories ng huli, na kuha mula sa kanyang birthday celebration, kapansin-pansin na sobrang sweet sila sa isa't isa.

Sa mga larawan na kanyang ipinost, makikita na madalas silang magkatabi ni Benjamin habang nagkakasiyahan sa kanyang birthday party na ginanap sa isang restobar sa Bonifacio Global City, Taguig, noong Biyernes, July 12.

Sa isang video sa Instagram stories ni Chelsea, mapapanood na binigyan niya ng halik sa pisngi ang aktor matapos siyang batiin ng “happy birthday.”

Pinangunahan din ni Benjamin ang pagkanta ng “Happy Birthday” bago ang tradisyunal na pag-ihip ng kandila sa cake.


Sa Instragram story ni Ben, isang mala-photobooth na mga larawan nila ni Chelsea ang kanyang ibinahagi.

Samantala, sa thank you message ng model na si Chelsea, nangunguna ang larawan nila ni Benjamin.

Birthday Salubong!! 🎂 🥂 Another year of experiences and memories, I wouldn't trade for anything! Thank you to everyone who came out for my birthday! Had such an amazing night at @thebowery_ph #beefeatergin #olmecaph @thebowery_ph Dress @attractiondesigns Cake @thebeehivepastries Earring @castelbeni

A post shared by chelsea robato (@chelseamaey) on

Dahil sa sweet moments na ito nina Benjamin at Chelsea, mas umingay ang bali-balitang may relasyon na ang dalawa.

Lalo pa't ito ay kasunod ng sunud-sunod na pag-comment ng aktor sa mga nakaraang post ni Chelsea.

Sa katunayan, sa isa sa mga ito, inilarawan ni Benjamin si Chelsea bilang “my favorite person.”

Si Chelsea na nga kaya ang nagbibigay inspirasyon ngayon kay Benjamin kaya muli siyang napasulat ng tula?

Trying to introduce my writing back. Okay lang ba guys? Tag your crush or lover. Leave a like if you enjoyed reading this. 😍 it hits you you know, the butterflies in the most naked, drunken times she visits when you're sober pancakes in new panties she always knew she was staying over. #letspoetry #tagyourcrush

A post shared by BENJAMIN alves (@benxalves) on