
Noong July 31, ipinagdiwang ni Kapuso actress Barbie Forteza ang kanyang 22nd birthday kasama ang kanyang pamilya at boyfriend na si Pambansang Abs Jak Roberto.
Kuwento ng aktres, simple lang ang naging selebrasyon niya.
Pero ang pinakasuprise para sa kanya ay nang ipagluto siya ni Jak ng kanyang paboritong ulam.
Kwento ni Barbie, “Magaling siya magluto, adobo, bistek, sinigang.
“Sabi ko pag-aralan mo yung pork binagoongan kasi yun yung favorite ko.
“So, pinag-aralang niya at opo ang sarap!”
LOOK: Barbie Forteza celebrates 22nd birthday with Jak Roberto in Tagaytay
Noong August 11 naman, nagsilbing munting fans day ang naging post-birthday celebration ni Barbie kasama ang “Barbienatics” na galing pa sa iba't ibang lugar.
Aniya, “Karamihan sa kanila galing sa malalayong probinsya, malalayong lugar, 'yung iba sa ibang bansa pa.”
Dito nakilahok si Barbie sa iba't ibang games at nakilala ang kaniyang loyal fans.
Panoorin ang buong chika ni Aubrey Carampel:
LOOK: 'Kara Mia' lead actors greet Barbie Forteza in the cutest ways
Barbie Forteza: Taking It All in Stride