
Pinag-uusapan ngayon online ang naging reply ng TV host at content creator na si Kris Aquino sa isang netizen patungkol sa posibilidad na maging "forever" siya ng Wowowin host na si Willie Revillame.
#GameKaNaBa: Kris Aquino papayag ba maging Mrs. Willie Revillame?
Kamakailan lang nag-post si Kris ng groufie kung saan kasama nila ng mga anak niyang sina Josh at Bimby si Kuya Wil.
Malapit sa puso ni Josh ang magaling na Kapuso TV host dahil certified fan siya nito.
Kung titingnan ang comment section ng IG post, makikitang nag-reply si Kris sa suggestion ng netizen na si @rojomags na puwede siya maging 'Mrs. Revillame.'
Tugon naman ng celebrity mom, “We're not interested in each other. Matulog na tayo.”
Marami naman ang natuwa sa pagiging prangka ni Kris na good friends lang talaga sila ni Willie.