Showbiz News

WATCH: Sheryl Cruz at Jeric Gonzales, nagsalita na tungkol sa isyung nagkakamabutihan na sila

By Bianca Geli

Sinagot na nina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales ang balitang kumakalat na nauuwi na sa totohanan ang relasyon nila sa GMA drama na Magkaagaw.

Jeric Gonzales at Sheryl Cruz

Naging matunog ang balitang ito lalo na nang mapabalitang nakipag-break daw ang aktor sa kaniyang 'di umano'y non-showbiz girlfriend.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras nitong Biyernes, nagpaliwanag si Jeric tungkol sa umano'y pakikipag-break niya sa nobya, "Unang-una, wala naman akong girlfriend ngayon. Kaya paano magkakaroon ng dahilan para mag-break up? Single ako, single po ako ngayon."

Natawa na lamang ang dalawa sa mga intriga na may romantikong relasyon na raw sila.

"Since December pa raw. Sinasabi ko na lang sa sarili ko, 'Ah, dahil siguro maganda 'yung ratings ng show namin at popular 'yung show namin, kaya siguro napag-uusapan kami" ani Sheryl.

"Natawa saka natuwa nung nabasa ko 'yung mga articles and 'yung balita. Kasi effective 'yung ginagawa namin sa show na nagiging totoo na sa kanila," ayon kay Jeric.

Samantala, nagiging mas masalimuot pa ang mga pangyayari sa kuwento ng Magkaagaw.

"Kasi 'yun nga si Gio, siyempre nagpa-part na sila ng ways ni Clarisse (Klea Pineda). Pero 'yung anak nila, parang nag-aagawan naman so mahirap talaga, mahirap 'yung sitwasyon. With Veron naman, nandiyan pa rin si Veron, nagpaparamdam pa rin," kuwento ni Jeric.

Sa serye, ginagampanan nina Sheryl at Jeric ang papel ng magkalaguyong sina Veron at Gio na malayo ang agwat ng edad. Hindi rin nawawalan ng maiinit na eksena ang dalawa.