
Gaya ng non-celebrities, hindi rin hahayaan ni Anak ni Waray vs. Anak ni Biday star Barbie Forteza na lokohin siya ng boyfriend niyang si Kapuso actor and Bubble Gang cast member Jak Roberto.
Mayroon rin siyang banta sakaling lokohin siya ng aktor.
“Parang ano ako eh, silent but deadly. 'Yung gano'n. Subukan mong magpakita sa 'kin ulit. Gupit ang gulong ng motor mo!” sabi ni Barbie.
Ayon kay Barbie, taliwas siya sa kanyang ginagampanang palabang karakter sa upcoming series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Hindi niya direktang kukumprontahin si Jak sakaling magloko ito.
Isa pa, alam daw naman ni Barbie na maraming nagkakagusto sa boyfriend niya at na kay Jak na ang desisyon kung bibigay ito sa tukso.
Mahigit dalawang taon nang magkarelasyon ang Kapuso power couple.
Panoorin ang Unang Balita report:
#JakBie: Barbie Forteza and Jak Roberto through the years
IN PHOTOS: Barbie Forteza's iconic teleserye character