GMA Logo Kiray Celis  Stephan Stopacio
What's Hot

Kiray Celis, sumagot sa komentong baka maghiwalay sila ng kanyang new BF

By Aedrianne Acar
Published January 29, 2020 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US judge lets more Epstein grand jury materials be made public
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Kiray Celis  Stephan Stopacio


“Kung ayaw mo ng mga post ko, unfollow is the key,” sabi ni Kiray Celis sa isang netizen na pumuna ng pagpo-post niya ng larawan nila ng kanyang boyfriend.

Hindi nagdalawang isip ang Kapuso comedian na si Kiray Celis na sagutin ang negative comment ng isang netizen patungkol sa relasyon niya sa new BF na si Stephan Stopacio.

LOOK: Kiray Celis shows off new BF's sweet gesture

Nagkomento ang netizen na si @iambrielle10 sa sweet Instagram post ni Kiray para sa boyfriend.

Saad ng basher, “hinay-hinay” daw ang comedienne sa pag-popost kasama si Stephan.

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

“Hinay-hinay lang sa pag-upload ng pic w/ your bf. Baka kc pag naghiwalay kayo e mapupuyat ka kabubura sa pic niyo.”

Agad na sumagot si Kiray Celis at pinayuhan ang netizen na i-unfollow na lang siya kung ayaw nito sa kanyang mga posts.

Aniya, “@iambrielle10 mapupuyat kakahintay kung maghihiwalay kami. Kung ayaw mo ng mga post ko, unfollow is the key.

“Wag bitter, darating din yung magmamahal sa 'yo. Pag dumating yun, baka mas marami kapang post sa akin.”

May pahabol din post si Kiray Celis sa basher sa Twitter.

“Masaya kaya yung mga taong nakakapag sabi ng masasama sa kapwa nila pilipino? :) sana happy ka ate!”

Sa isa din Tweet ng former Love You Two actress, dinaan naman niya sa tawa nang makita niya ang mga kumakalat ng nude photos niya online.

Saad ni Kiray “May nagmessage sakin.. may gumagamit daw ng mukha ko sa mga nude pictures. Uiiii kilig ako! Laki ng dede ko. Hindi halatang edit! Salamat! #WalangHatePuroLoveLang HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAAHHA