
Kahapon, February 28, 2020, ikinasal ang aktres at Valenzuela City Councilor na si Charee Pineda sa kanyang longtime boyfriend at kapwa politician na si Martell Soledad.
Dati ring nagsilbi bilang konsehal sa parehong siyudad si Martell.
Ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony sa City Hall ng Valenzuela.
Ibinahagi ni Charee ang litrato ng pagsusuot sa kanya ni Martell ng singsing.
"02.28.2020 @martellsoledad" simpleng sulat niya sa caption ng kanyang Instagram post.
Dumalo naman sa kanyang kasal ang kanyang kaibigan at kapwa artista na si Yasmien Kurdi, kasama ang mister niyang piloto na si Rey Soldevilla.
Nag-share din si Yasmien ng ilang mga picture galing sa intimate na kasal.
"Congrats Charee and Martell Stay in-love. Mahal namin kayo!!!" aniya.
December 7 last year nang inanunsiyo ni Charee ang kanyang engagement kay Martell sa pamamagitan ng pag-post ng litrato nila sa National Shrine of Our Lady of Fatima.
Makikita sa picture na suot ni Charee ang isang malaking diamond engagement ring.
"Fatima church. Where it all started. I love you my, Fiancé! @martellsoledad," ani Charee.
More than six years ang naging relasyon nina Charee at Martell bago ikinasal.